COVID situation sa ibang bansa, bantay sarado rin ng pamahalaan

Patuloy na binabantayan ng pamahalaan maging ang COVID-19 situation sa ibang mga bansa.

Pagtitiyak ito ni National Task Force (NTF) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., kasunod ng naitalang resurgence ng COVID infection sa China at ibang bansa sa Europa.

Ayon sa kalihim, ipepresinta nila sa mga global expert ng bansa ang mga pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 sa labas ng Pilipinas lalo’t kabilang ito sa mga pinagbabasehan nila sa pagsasailalim ng mga bansa, sa red, yellow, at green list country ng pamahalaan.


Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang kalihim sa mga Pilipino na siguruhing mahigpit pa rin na masusunod ang mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments