COVID situation sa Metro Manila, nananatiling ‘fragile” – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa bumabalik sa pre-surge level ang National Capital Region (NCR) sa kabila ng patuloy na pagbaba ng daily COVID-19 cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang daily COVID-19 infections sa Metro Manila ay nananatili sa higit 600.

Malayo aniya ito sa pre-surge level na nasa higit 300 kaso lamang kada araw.


Sinabi ni Vergeire na ‘fragile’ pa rin ang sitwasyon sa NCR kaya hindi maaaring magpabaya at magpakampante.

“Hindi ito ang oras para maging complacent tayo…Kailangan natin maintindihan napaka porous po ng ating borders, yung interzonal natin. And we know that cases are rising or increasing in other parts of the country,” sabi ni Vergeire.

Samantala, nakikita ng DOH na ang nagpapatuloy na vaccinations ay isa sa dahilan kung bakit bumababa ang kaso sa Metro Manila.

Facebook Comments