Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag nang ikumpara ang COVID-19 situation ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ito ay matapos mangulelat ang Pilipinas sa 134 na mga bansa sa batay sa 2021 World’s Safest Countries report ng isang international magazine kung saan kabilang sa mga isyung pinagbatayan ay ang war and peace, personal security, natural disaster risk factors at COVID-19 risk factors.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na pag-aralan ang nakasaad sa datos at huwag ikumpara sa ibang bansa.
Aniya, ang Pilipinas ay sadyang prone sa natural disasters na hindi naman kontrolado ng Pilipinas.
Facebook Comments