COVID test para sa mga byahero galing China, hindi na kailangan

Nanawagan si House Deputy Majority Leader & Iloilo First District Representative Janette Garin sa pamahalaan na huwag magpadalos-dalos sa pagpapasya kaugnay sa napaulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa China.

Pahayag ito ni Garin kasunod ng rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na isailalim sa COVID-19 testing ang mga byahero galing sa China.

Sa tingin ni Garin, walang scientific basis ang naturang rekomendasyon.


Payo ni Garin, konsultahin muna ang World Health Organization (WHO) at Chinese Embassy kaugnay sa tunay na sitwasyon sa China bago magpatupad ng bagong patakaran.

Ayon kay Garin, huwag sana tayong umabot sa punto na masyado na nating iniisip ang sitwasyon sa China pero nakakalimutan na sa Pilipinas marami pa rin tayong kaso.

Binigyang-diin ni Garin ang pananatili ng COVID kaya ang mas dapat na pagtuunan ng gobyerno ay kung paano natin mapapataas ang bilang ng mga Pilipinong nagpabakuna laban para mapanatili o mapag-ibayo pa ang resulta ng ating paglaban sa pandemya.

Facebook Comments