Tinawag na game-changer ng Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious diseases ang Philippine Red Cross’ (PRC) COVID testing center.
Sa inagurasyon ng PRC’s second molecular laboratory, pinasalamatan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III si PRC Chairman Senator Richard Gordon sa kaniyang pamumuno sa Red Cross.
Maituturing aniyang state of the art ang COVID testing center na makakatulong sa ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa banta ng COVID-19.
Kasabay nito, inilarawan naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ultimate weapon ang testing center laban sa COVID-19.
Facebook Comments