Posibleng abutin ng tatlo hanggang limang taon ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., isa sa tinitingnan ay ang supply at demand ng pandaigdigang merkado.
Aniya, aabot lamang sa limang milyong vaccinations ang kayang i-manage ng bansa sa ilalim ng programa.
Dapat ding ikonsidera ang cold chain at storage facilities na mayroon sa bansa.
Nabatid na target ng pamahalaan na mabakunahan ang 20 hanggang 30 milyong Pilipino kada taon sa loob ng limang taon.
Sa best case scenario, maaaring simulan ang mass vaccination sa second quarter ng 2021 o kalagitnaan ng 2021.
Ang worst case scenario, posibleng masimulan ang immunization sa katapusan ng 2021 o sa 2022.
Facebook Comments