Matagumpay na nabakunahan kontra COVID19 ang mga bagong batch ng residente sa bayan ng Bayambang sa pangunguna na din ng Task Force Bakuna at Municipal Health Office.
Sa 536 indibidwal na nagparehistro, may 510 katao ang nabakunahan, at may 26 na pina-reschedule ang vaccination dahil sa pagtaas ng kanilang presyon. Sa bilang na ito, karamihan sa mga bagong nabakunahan ay senior citizens.
Sa kabila nito ay malaki pa rin ang kakulangan sa bakuna para sa mga residente na nais magpabakuna.
Sa pagpayag ng DOH na magbigay ng adisyunal na bakuna, ang bayan ng Bayambang ay nagpapatunay na kaya nitong tumanggap ng mga adisyunal na vaccines lalo na’t ang dalawang vaccination sites nito ay may kapasidad na 1,000 kada site sa araw ng bakuna.
Samantala, hinikayat naman ngayon ang mga interesado na maaaring mag-profile na sa kanilang Barangay Health Worker (BHW) at sabihin sa kanila kung gustong magpabakuna para sila ay unahin sa vaccination day.