Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling na COVID-19 vaccine certificates para sa domestic use.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng Local Government Unit (LGU) na walang sariling electronic vaccine administration system ay kinakailangang gamitin ang system ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para itala lahat ng inoculation information.
Aniya, inatasan naman ng IATF ang DICT na magbigay ng update dalawang beses sa isang linggo ukol sa regional submission ng vaccination data.
Nauna nang magkaroon ng inoculation certificates mula VaxCertPH na limitado lamang sa mga outbound migrant workers.
Facebook Comments