Nagpapakita ng magandang resulta ang Covovax COVID-19 vaccine laban sa dalawang variants ng COVID-19.
Batay sa drug distributor na Faberco Life Sciences Inc., nasa 89.3 percent ang efficacy rate ng Covovax laban sa SARS-CoV-2 at B.1.1.7 variant o UK variant.
Ang resulta ay lumabas matapos ang isinagawang phase 3 clinical trials sa United Kingdom mula Sept. 28, 2020 hanggang Jan. 28, 2021.
Habang nasa 60.1 percent naman ang efficacy rate ng Covovax laban sa B.1.351 variant na naunang natuklasan sa South Africa.
Nasa 7,016 participants ang nakilahok sa UK kung saan anim lang ang nakaroon ng mild to moderate infection habang 4,400 participants naman sa South Africa.
Facebook Comments