
Naramdaman ang “cowboy vibes” sa ginanap na Mini Rodeo Competition sa Alaminos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Livestock Day.
Idinaos ang aktibidad sa Plaza Enrique Braganza kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kasanayan, galing, at diskarte sa iba’t ibang paligsahan.
Kabilang sa mga tampok na kompetisyon ang Miss Rodeo, lassoing on foot, chicken dressing, pig catching, at tug of war, pati na rin ang inaabangang Free Taste Lapan Delicacy 101 o rabbit meat.
Naging bahagi rin ang aktibidad ng patuloy na pagsulong ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga at pagpapaunlad ng sektor ng livestock, gayundin ang pagpapahusay sa kakayahan ng mga livestock raisers sa lungsod.
Layunin ng programa na mapanatili ang kultura ng pangangalaga ng mga hayop habang pinapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa larangan ng livestock production. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










