Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kayang maipatupad ni Communisty Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison ang holiday ceasefire sa gobyerno.
Ito’y kasunod ng pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte at Iloilo sa kasabay ng pagpapatupad ng tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgar Arevalo, wala nang kontrol si Sison sa mga miyembro ng NPA.
Idinagdag pa ni Arevalo, maging sa mga nagdaang ceasefires, hindi tumatalima ang npa sa kanilang mga lider at patuloy ang pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
Sa ngayon, ang paglabag na ginawa ng NPA ay ini-ulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Facebook Comments