CPP Founder Jose Maria Sison, hiniling kay PRRD na ipasa ang opisina kay VP Leni

Hiniling ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte ibigay na lamang ang kanyang opisina kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang reaksyon ng Communist Leader matapos i-anunsyo ng Malacañang na magpapahinga ng tatlong araw ang Pangulo, subalit binawi at sinabing patuloy na magtatrabaho ang Pangulo sa kanilang bahay sa Davao City.

Ayon kay Sison, ang iniindang sakit ng Pangulo at ang paggamit ng Fentanyl ay nagpapalala sa kanyang katawan at isipan.


Napansin din ni Sison ang humahabang pagpapahinga ng Pangulo at kakaunting trabahong ginagawa nito.

Dagdag pa ni Sison, mahihinto ang ‘Fascist Dictatorship’ at ang nagpapatuloy na Militarization at Fascization sa ulalim ng executive order 70.

Pinuna rin ng CPP Leader ang probisyon na nakapaloob sa Executive Order na tila inaarmasan ang mga sibilyan laban sa mga rebeldeng komunista.

Ang tinutukoy ni Sison na E.O. 7 o ay ang pagtatatag ng Localized Peace Talks.

Facebook Comments