Minaliit lamang ni Communist Party of the Philippine founder Jose Maria Sison ang pahayag ng Malacañang na bigo ang limang dekadang laban ng mga rebeldeng komunista kasabay ng anibersaryo nito nitong Miyerkules.
Ayon kay Sison – ang paulit-ulit na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komunista ang malinaw na batayan na may nagawa ang kanilang kilusan.
Hindi rin aniya mag-aaksaya ng panahon ang gobyerno para magpadala ng bata-batalyong sundalo kung alam nito na mahina na ang pwersa ng NPA.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na hindi siya sang-ayon sa mga ipinaglalaban ng mga komunista.
Kahit ipinag-utos na niya sa militar na ubusin ang mga ito, hinikayat pa rin niya ang mga nasa makakaliwang grupo na sumuko sa gobyerno.
Facebook Comments