Itinanggi ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na tinukoy niya ang ilang mga progresibong grupo bilang legal fronts ng kanilang partido.
Ayon kay ni Sison, ang militar ang siyang gumagamit ng video ng kanyang speech sa Brussels, Belgium noong 1988 kung saan lumabas na nangred-tag siya ng ilang grupo tulad ng Gabriela, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), League of Filipino Students (LFS) at Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Dagdag pa ni Sison, ikinumpara niya ang legal forces ng national democratic movement mula sa armed revolutionary movement kung saan iginiit niya na mga sinungaling sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr.
Ito’y kasunod ng pagtanggi ng mga nabanggit na opisyal sa akusasyon hinggil sa red-tagging saka sinabing si Sison mismo ang tumukoy sa pangalan ng mga legal fronts.
Muling sinabi ni Sison na ang militar ang rason kung bakit wala ng pera ang gobyerno dahil sa sobrang gastos nila sa mga fake surrenders, witnesses, encounters at mga proyekto.
Mariin din na itinanggi ng CPP Founder na nakikinabang siya o sila sa extortion activities ng revolutionary government at dumedepende umano siya sa tulong ng mga kamag-anak at kaibigan.