Walang balak ang Communist Party of the Philippines (CPP) na hamunin ang pagkakatalaga sa kanila ng Anti-Terrorism Council (ATC) bilang ‘terrorist organization.’
Ayon kay CPP Central Committee Chief Information Officer Marco Valbuena, hindi nila kinikilala ang Anti-Terrorism Law (ATL) bilang lehitimong batas.
Hindi rin nila kinikilala ang judicial authority ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Valbuena, ang New People’s Army (NPA), at ang buong revolutionary government ay labas sa legal jurisdiction ng gobyerno.
Ang CPP ay sumusunod sa panuntunan ng People’s Democratic Government (PDG).
Iminungkahi ng CPP sa mga legal experts at luminaries na gumawa ng hakbang para kwestyunin ang pagtatalaga sa kanila bilang terrorist organization.
Sa ngayon, aabot sa 30 petisyon ang inihain sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng ATL.