CPP leader Joma Sison, nagbabala na marami ang mamamatay kasunod ng ₱2 milyong alok ni Pangulong Duterte laban sa NPA commanders

Nagbabala si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairperson Jose Maria Sison sa pamahalaan na maraming inosente ang mamamatay matapos maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng ₱2 milyong pabuya para mahuli ang mga commander ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sison na ang mga ganitong klaseng pabuya ay magpapalala lamang sa pagiging tiwali ng kanyang armed loyalist.

Ayon pa kay Sison, hindi naman totoo ang mga pagsuko at gumagawa lamang sila ng hindi totoong engkwentro.


Iginiit din ni Sison na naitala na sa kasaysayan ang pagiging mamamatay-tao iumano ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa niya, aabot na sa 30,000 tao ang namatay sa giyera kontra droga at pinapaboran ang “drug empire” ng kanyang anak at Chinese partners.

Ibinabaling lamang aniya ng Pangulo ang atensyon mula sa kanyang pagiging pabaya at palpak sa paglaban sa COVID-19.

Binanggit din ng CPP Leader ang kawalan ng mass testing at contact tracing, maging ang mataas na bilang ng healthcare workers na namamatay dahil sa kawalan ng protective gear.

Facebook Comments