CPP Leader Jose Maria sison, itinangging wala na siyang kontrol sa NPA

Pinsinungalingan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala na siyang kontrol sa New People’s Army (NPA).

Ito sa gitna ng mga ikinakasang pag-atake ng NPA laban sa pwersa ng gobyerno sa kabila ng holiday ceasefire.

Ayon kay Sison, siya ang Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa Peace Negotiations sa gobyerno.


Sinabi pa ni Sison na ‘Anti-Ceasefire’ at ‘Anti-Peace’ ang mga opisyal ng AFP na patuloy na binabatikos ang papel ng NDFP Negotiating Panel.

Pinuna rin ni Sison ang AFP at PNP dahil palaging ibinubunton ang sisi sa communist group.

Anumang reklamo at alegasyon ng paglabag sa ceasefire sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista ay dapat ipresenta sa Joint Monitoring Committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human and International Humanitarial Law.

Ang NDFP negotiating panel ang nakikipag-usap sa Revolutionary Leading Organs ng NDFP, CPP at NPA sa bansa.

Facebook Comments