MANILA – Nanindigan ang Communist Party of the Philippines (CPP) na wala silang nakikitang dahilan para makipag-bati sa administrayon ni outgoing President Noynoy Aquino.Ayon kay CPP Founder at Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Jose Maria Sison, magpapatuloy ang ginagawang atake ng New People’s Army (NPA) hanggang nasa posisyon pa si Pangulong Aquino.Aniya, wala ring ginawa ang administrasyong Aquino kundi umatake din laban sa NPA taliwas sa pamumuno ni incoming President Rodrigo Duterte na may isinusulong na kapayapaan at solusyon sa matagal nang hindi pagkakasundo.Ayon kay Sison, sa bisa ng oplan bayanihan, hanggang sa ngayon ay patuloy na inaatake ng gobyerno ang mga “revolutionary forces.Sa kabila nito, tiniyak naman ni Sison na doble kayod sila sa paghahanda para sa inaabangang formal peace talks.Kaugnay nito, umaasa si Presidential Adviser Jess Dureza na maganda ang kalalabasan ng kanyang pakikipag-usap kay Sison kaugnay sa peace process.
Cpp-Npa Founder Jose Maria Sison, Nanindigang Hindi Makikipag-Ayos Sa Administrasyong Aquino
Facebook Comments