CPP-NPA, idineklarang terorista – ATC

Itinuturing nang mga terorista ang Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA).

Ang designation sa NPA bilang terorista ay batay sa Republic Act 11479 o Anti–Terrorism Act of 2020.

Batay sa Resolution No. 1 ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, opisyal nang idineklara ang CPP-NPA bilang terrorist organization kahanay ang iba pang extremist group tulad ng Islamic State East Asia, Maute Group, Daulah Islamiyah, at iba pang mga grupo.


Ayon sa ATC, matagal nang nagpapanggap ang NPA para makakuha ng suporta mula sa mga international non-government organizations (NGOs) at makalikom ng pondo para maisagawa ang paghahasik nila ng rebelyon.

Mula 2016 hanggang 2019, ang CPP-NPA ay nakapangikil ng aabot sa ₱5.5 billion na halaga ng ‘revolutionary taxes.’

Pero ngayong itinuturing na silang terorista, sakop na ng kapangyarihan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang pondo at ari-arian, at maaari na rin itong maimbestigahan at maisailalim sa freeze order.

May sapat na batayan na ang CPP-NPA ay may mga nagawa na maaring maparusahan sa ilalim Section 4 ng Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA).

Kabilang din dito ang mga pagsasagawa nila ng karahasan na nagresulta sa pagkasira ng mga ari-arian, pagkasawi ng marami at pinsala sa negosyo at ekonomiya.

Una nang naideklarang terorista ang NPA sa US, Australia, Canada, at New Zealand.

Facebook Comments