Ikinalulungkot ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang pagkamatay ni Far Eastern University (FEU) football team member Keith Absalon.
Ayon kay CPP Spokesperson Marco Valbuena, inaako nila ang buong responsibilidad sa pagkamatay ni Absalon at kanyang pinsan na si Neolven.
Ang magpinsang Abselon ay namatay matapos masabugan ng Improvised Explosive Device (IED) noong Linggo.
Kaugnay nito, kinokondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente.
Para kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, ang anti-personnel landmines ay paglabag sa International Humanitarian Law.
Aniya, bigong natukoy ng landmines kung sino ang mga sibilyan at combatants.
Ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tinutugis na ang mga suspek sa likod ng pagsabog.