Kinumpirma ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Base sa kanilang report, naganap ang nasabing pagpatay sa mag-asawang Tiamzon noong August 21, 2022 kung saan kasama ng mga ito ang walo pang guerilla forces sa Catbalogan City.
Hinarang umano ang grupo ng mag-asawang Tiamzon at doon na nawala ang mga ito at hindi na nakita pang muli.
Sa nakalap na impormasyon ng Central Committee, tinorture umano ng militar ang mga rebelde at inilabas sa media na nasawi ang mag-asawang Tiamzon kasama ang walong iba nang sumabog ang sinasakyan nilang bangka matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan.
Dahil dito, iginigiit ng partido ang paggawad ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga kasapi.
Nais din nilang papanagutin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil umano sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-asawang Tiamzon at walong iba pa.
Sa mga oras na ito, hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng AFP hinggil sa nasabing usapin.