CPP-NPA na umatake sa Maasin police station sa Iloilo, sinampahan na ng kaso ng PNP

Iloilo, Philippines – Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police ang animnapu (60) na mga miyembro ng New People’s Army na pumasok at nanguha ng mga armas at personal na kagamitan ng mga pulis ng maasin police station nung nakaraang hunyo 18 ng taong kasalukuyan.

Sa mga kinasuhan, 20 sa mga NPA ang nakilala habang 40 naman ang mga john doe’s.

Mismong si Iloilo Provincial Police Office Director Sr. Supt. Marlon tayaba ang sumaksi sa pagsampa ng kaso sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office kahapon.


Matandaan na 11 na mga armalite rifles, 4 na glock 9 mm, 2 laptop, pera at personal na mga alahas ng mga pulis ang tinangay ng mga kasapi ng npa na sumalakay sa maasin PNP station noong nakaraang linggo.

Facebook Comments