CPP-NPA-NDF official, huli sa operasyon sa Laguna

137

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP ang isang opisyal ng CPP-NPA-NDF sa kanyang bahay sa Barangay Rosario San Pedro City Laguna maghahating gabi kagabi.

Kinilala ng pulisya ang naaresto na si Antonia Setias Dizon, 60-anyos ang kasalukuyang secretary ng National Organizing Department o NOD ng CPP-NPA-NDF.


Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad si Dizon ay pumalit sa pwesto nina NOD leader Rafael Baylosis at Adelberto Silva na una nang naaresto ng PNP.

Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 7, ng Bayugan City, Agusan del Sur naaresto ang CPP-NPA-NDF official.

Sasampahan rin ang suspek ng paglabag sa RA 10591 at RA 9516 matapos makuha sa pag-iingat nito ang isang caliber 380 pistol, 48 na piraso ng caliber 380 live ammunition, 10 piraso ng blasting caps at mga wirings, 2 cellular phone, isang laptop at mga mahahalagang dokumento.

Facebook Comments

From Advertisers