CPP, posibleng nasa likod ng resolusyon sa UNHRC – PNP

Itinuturo ng Philippine National Police (PNP) na posibleng ang Communist Party of the Philippines (CPP) ang nasa likod ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, kasama sa propaganda ng CPP ang pag-tutol sa administrasyong Duterte kaya malaki ang posibilidad na may kinalaman ang mga ito sa resolusyon ng UNHRC.

Aniya, mayroong koneksyon at kino-contact ang mga komunistang grupo para maimpluwensyahan ang United Nations sa pagsasagawa ng bawat hakbang.


Sinabi rin ni Albayalde na hindi na aabutin ng CPP ang kanilang 50th Founding Anniversary kung walang sumusuporta sa kanilang underground movement.

Bukod dito magsasagawa na rin ang PNP ng imbestigasyon para sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

Facebook Comments