Itutuloy pa rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang mga aktibidad para sa kanilang ika-52 anibersaryo.
Ayon sa CPP, gagawin nila ang simple at masayang mga aktibidad sa mga rural at urban na lugar kahit pa may “all-out attacks” ang military, lalo sa mga peasant community.
Magugunitang parehong hindi nagdeklara ng tigil-putukan ang pamahalaan at ang CPP ngayong holiday season.
Matatandaan na binuo ni Jose Maria Sison ang CPP noong December 26, 1968.
Facebook Comments