CPP walang dahilan para magdiwang ng kanilang anibersaryo ayon sa Defense Department

Walang nakikitang rason ang Department of National Defense (DND) para ipagdiwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang ika-52 anibersaryo bukas, December 26.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa halip na mag-celebrate dapat pang mahiya ang CPP dahil 52 taon na silang nanggugulo sa mga Pilipino.

Ang CPP ay ang bumuo sa New People’s Army (NPA) bilang kanilang military arm na ayon kay Lorenzana ay 52 taon nang pumapatay ng mga inosenteng sibilyan at tropa ng gobyerno, sumisira sa mga properties at nangunguna sa paggawa ng extortion sa mga komunidad.


Panawagan ni Lorenzana sa CPP-NPA, iwanan na ang marahas na pakikibaka at magbalik loob sa pamahalaan para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments