Crackdown kontra illegal mining, paiigtingin ng PNP

Bilang pagtalima sa kampanya ng pamahalaan kontra climate change, paiigtingin ng Philippine National Police ang paghahabol laban sa mga nasa likod ng operasyon ng illegal mining sa bansa.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na habulin at papanagutin ang mga grupo o indibidwal na walang habas na sumisira sa kalikasan.

Mahigpit din aniya ang atas ng Pangulong Marcos na pag-ibayuhin pa ang mga hakbang upang labanan ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng responsableng pagmimina gayundin ang pagtigil sa illegal logging.


Matatandaang kamakailan lang nang mangyari ang landslide sa Davao de Oro bunsod ng walang tigil na pag-ulan kung saan nagresulta ito sa halos 100 patay at 8 pa rin ang patuloy na pinaghahanap.

Facebook Comments