Mahigpit nang nagbabantay ang Department of Energy (DOE) laban sa illegal trade practices sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sector.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – layunin nitong protektahan ang mga konsumidor mula sa economic at physical dangers, kabilang ang deadly fire incidents.
Payo ng kalihim sa publiko na iwasang bumili ng mga illegally refilled LPG canisters na mapanganib lalo na kapag ginamit sa pagluluto sa bahay o establisyimento.
Aniya, talamak ang illegal LPG refilling sa Visayas.
Babala naman ng DOE sa mga nagsasagawa ng ganitong ilegal na aktibidad na mahaharap sila criminal at administrative charges at ipapasara sila.
Maliban sa illegal refilling, babantayan din ang pilferage, tampering, conversion ng mga cylinders at ang paggamit ng unbranded, defective at dilapidated na mga tangke.