Crackdown laban sa mga peke at smuggled na sigarilyo, paiigtingin ng PNP

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng police units sa bansa na palakasin ang crackdown laban sa mga peke at puslit na sigarilyo.

Ang utos ay kasunod ng ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tinatayang ₱25.5 bilyon ang lugi ng pamahalaan noong nakaraang taon dahil sa iligal na bentahan ng sigarilyo.

Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, iniulat din ng BIR na umaabot na ng ₱6.6 bilyon ang nawala sa kita ng gobyerno.


Ayon kay Gen. Marbil, malaki ang epekto nito sa mga local tobacco farmers.

Kasunod nito, nagbigay ng direktiba si PNP chief na magpatupad ng heightened surveillance at striktong border controls sa pakikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies.

Ani Marbil, ang laban sa mga peke at smuggled na sigarilyo ay isa nang krusada upang protektahan ang kalusugan ng mamamayan at tiyakin ang katatagan ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments