Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang crackdown sa paggawa, pagbenta, at paggamit ng ilegal na paputok.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang firecracker-related injuries.
Pinadodoble ni Año sa PNP ang monitoring at inspection upang matiyak na hindi kakalat sa merkado ang mga ilegal na paputok.
Tungkulin ng mga pulis na magsagawa ng inspeksyon at kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na firecrackers at pyrotechnic devices.
Kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), inaatasan din ng PNP na magsagawa ng information campaign tungkol sa mga peligrong dulot ng paggamit ng paputok.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 54 ang bilang ng nabiktima ng paputok.