Crackdown sa illegal POGOs, ipinag-utos ni PNP Chief Marbil

Mahigpit ang tagubilin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa kapulisan na mananagot at mapaparusan sa ilalim ng batas ang sinumang protektor o sangkot sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Pinaalalahanan din ni Gen. Marbil ang mga pulis na sumunod sa batas at panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad, lalo na sa usapin ng POGO.

Kamakailan lamang ay pinaigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa illegal POGO operation na nagresulta sa pagpapasara ng mga operasyon nito sa pamamagitan ng coordinated efforts ng PNP-Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) at PNP-Anti Cybercrime Group.


Tiniyak din ng PNP chief sa publiko ang kanilang patuloy na pangakong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa ating bansa.

Facebook Comments