Crackdown sa mga nagtitinda ng imported na isda, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa Kamara kung may legal na basehan ang ikinasang crackdown ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR laban sa mga nagtitinda ng imported na isda sa merkado tulad ng pampano at pink salmon.

Ginawa ito ni Barzaga kasunod ng crackdown ng BFAR sa mga nagtitinda ng imported na mga isda sa 21 wet markets kaugnay sa pinaigting na kampanya laban sa illegally diverted imported fish.

Ito ay para maiwasan ang hindi makatuwirang kompetisyon nito lalo na sa mga local fisherfolk at para mapanatili ang matatag na presyo ng mga isda sa bansa.


Sa inihaing House Resolution number 600, ay sinabi naman ni Barzaga na target ng gagawing pagdinig ng Kamara na matukoy kung ang nasabing aksyon ng BFAR ay umaayon sa Fisheries Code of the Philippines, gayundin sa Fisheries Administrative Order 195 , 259 at Certificate of Necessity to Import.

Katwiran pa ni Barzaga, kailangang matiyak din na ang hakbang ng BFAR ay hindi lumalabag sa konstitusyon at hindi maituturing na diskriminasyon sa mga local fish vendors o institutional buyer gaya ng hotels at restaurants.

Facebook Comments