Crackdown sa pagbebenta ng vape products sa menor de edad, isusulong ng PNP

Nagpasaklolo si Health Sec. Teodoro Herbosa sa Philippine National Police (PNP) para masiguro na walang access sa e-cigarettes ang mga menor de edad, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa baga sa mga teenager.

Kasunod nito, inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. si PNP Directorate for Operations Director PMaj. Gen. Ronald Lee, na bumuo ng mga guidelines para sa ilulunsad na crackdown sa ilegal na pagbebenta ng vape products.

Ayon kay Acorda, ang mga panuntunan ay para masiguro na striktong maipatupad ng PNP ang Republic Act 11900 na nagbabawal sa pagbebenta ng vape products sa mga menor de edad.


Kasama sa guidelines ang pag-aresto sa mga lumalabag sa naturang batas.

Bukod sa mga hakbang laban sa mga nagbebenta ng vape products sa kabataan, sinabi ni Acorda na magpapatupad din ng information campaign ang PNP para ipaalam sa publiko ang masamang epekto ng vaping.

Facebook Comments