CREATE Bill, raratipikahan na ng Kongreso ngayong linggo

Raratipikahan na ngayong linggo ng Kamara ang panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Bill matapos na makalusot ito sa bicameral conference committee.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda, lagda na lamang ang hinihintay upang ito ay ratipikahan ng Kamara at Senado upang maipadala na sa Malakanyang at malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.

Sa tantya ng kongresista, aabot sa $18 billion na foreign direct investments ang nawala sa bansa sa nakalipas na tatlong taon dahil sa pagkaantala sa pagpasa ng panukala.


Umaasa si Salceda na ngayong natapos na ang pagtalakay ng Kongreso sa CREATE ay may matatag na matatayuan na ang mga investor sa bansa.

Sa ilalim ng CREATE Bill, ibababa ang 30% na corporate income tax sa 25% para sa mga large corporation at 20% naman para sa mga small and medium corporation na mayroong net taxable income na mababa sa P5 million at total assets na mas mababa sa P100 million.

Maliban dito may mga insentibo, special corporate income tax holiday at iba pang benepisyong nakapaloob para sa mga exporters, enterprises at iba pang negosyo.

Facebook Comments