Nakatadang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw ang panukalang Create MORE o Create to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy Bill, na isa sa mga nasa priority legislation ng administrasyong Marcos.
Ang panukalang ito ay hindi lamang mag-aamyenda sa National Internal Revenue Code kundi mas magpapahusay pa sa tax incentive policy ng bansa.
Oras na maging batas, ay inaasahang magpapalakas nito ng mga insentibo sa buwis at kabilang sa magbebenepisyo dito ay mga dayuhang kumpanya.
Sakop ng ang VAT zero-rating sa lokal na pagbili at VAT exemption sa importasyon ng mga produkto at serbisyo.
Nasa 100% din ang karagdagang bawas sa gastusin sa power expenses ng mga negosyo at korporasyon habang 50% naman na dagdag bawas sa muling pamumuhunan o reinvestment para sa mga nasa industriya ng turismo.