CREATIVE INDUSTRY NG PANGASINAN, MAS PINAPALAKAS

Mas pinapalakas ang Creative Industry ng Pangasinan sa naganap na pagpupulong sa pangunguna ng ikaapat na kongresista ng lalawigan, Cong. De Venecia sa creator and influencer council of the philippines.
Tinalakay sa nasabing pulong ang kahalagahan ng content creation sa virtual world na mas lalong lumakas sa naging kondisyon ng lahat bunsod ng pandemyang COVID-19.
Nakitaan na maaaring maraming oportunidad para sa mga MSMES at lalong lalo na sa Content Creators ang nasabing plataporma.
Samantala, ayon sa report ng the Digital 2022, ang internet penetration ng bansa ay nasa 68%, karamihan ay mobile users, indikasyon nito ang malaki ang potensyal upang mas maitaguyod pa ang malikhaing industriya ng lalawigan.
Facebook Comments