Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat siya ang purhin sa itinayong NLEX Harbor Link Segment 10 Project o sa iba pang infrastructure projects ng Pamahalaan.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa inagurasyon ng NLEX Harbor Link Segment 10 Project ang breaking ceremony ng NLEX-SLEX Connector Road Project ay sinabi nito na hindi dapat siya ang purihin o sa kanya i-credit ang mga proyektong ito.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, ang mga proyektong natapos sa ilalim ng kanyang administrasyon at ang mga gagawin at matatapos pa hanggang matapos ang kanyang termino ay hindi para sa kanyang kapurihan.
Sinabi in Pangulong Duterte dapat kilalanin ang mga taong nagtayo ng mga proyekto, mga contractors at lalong lalo na ang sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Pangulong Duterte na pondo ng taumbayan ang ginamit kaya taumbayan ang dapat kilalanin sa mga proyekto ng Pamahalaan. Ipinagmalaki din naman ni Pangulong Duterte na ang mga expressway na ito ay magpapabilis ng biyahe ng mga motorista na manggagaling sa Port of Manila patungong NLEX at mula sa SLEX patungong NLEX nang hindi dumadaan sa EDSA.