Credit outlook ng PH, ‘negative’ – Fitch

Binago ng International debt watcher na Fitch Ratings ang credit outlook ng Pilipinas.

Mula sa ‘stable’ outlook sa huling report nito ay inilagay na ang Pilipinas sa ‘negative’ outlook.

Ayon sa Fitch, ang pagbabago sa outlook ay dahil sa tumataas na credit profile risks dala ng COVID-19 pandemic at resulta ng policy-making, at economic at fiscal outputs.


“Fitch believes there are downside risks to medium-term growth prospects as a result of potential scarring effects, and possible challenges associated with unwinding the exceptional policy response to the health crisis and restoring sound public finances as the pandemic recedes,” sabi ng international credit rating agency said.

Ang overall investment sa bansa ay bumaba sa 27% noong 2020 at ang mataas na unemployment rate na nasa 7.7% na bunga ng pandemya, at mga factors kung bakit ibinaba ang economic outlook.

Gayumpamanan, ang credit rating ng Pilipinas ay nananatili sa “BBB”.

Samanatala, batid ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang negatibong impact ng pandemya pero tiwala siyang pansamantala lamang ito.

Sa pagtaya ng Finance Department, nasa anim hanggang pitong porsyento ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon at pito hanggang siyam na porsyento sa 2022.

Tiwala rin si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na ang tuluy-tuloy na ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa, lalo na at mayroong mga monetary policies na makakatulong sa pagpapanatili ng liquidity ng financial system, partikular sa financial digitalization agenda.

Facebook Comments