Credit rating ng Pilipinas – nananatiling positibo

Manila, Philippines – Nanatiling positibo ang credit rating ng Pilipinas o ang kakayahan nating magbayad ng utang.

 

Triple b (–) minus o “good credit quality” ang ibinigay na ratings sa atin ng international credit ratings agency na “Fitch”.

 

Ibig sabihin, mababa ang posibilidad na hindi makapagbayad ng utang ang Pilipinas at nanatiling sapat ang ating kakayahan na tumupad sa ating mga pinansyal na pananagutan dahil sa matatag na paglago ng ating ekonomiya.

 

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, patunay itong hindi natitinag ng mga usaping politikal ang patuloy na paglago sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

Ang Fitch ang isa sa tatlong pinakamalalaking credit rating agency sa buong mundo kasama ng Standard & Poor’s (S & P) at Moody’s.



Facebook Comments