‘CREEPING DICTATORSHIP’ | Malacanang, nakiusap sa CBCP na huwag nang batikusin ang Con-As

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacanang sa Catholics Bishops Conference of the Philippines o CBCP na huwag nang pulaan ang planong Constitutional Assembly na plano ng mga kongresista na pamamaraan ng pagpapalit ng saligang batas.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa naging pahayag ng CBCP na ang Charter Change sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ay matatawag na creeping dictatorship.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi niya maintindihan kung bakit pinag-iinteresan ng simbahang katoliko ang Con-As.


Paliwanag ni Roque, nakasaad sa saligang batas ang mga pamamaraan ng pagbabago ng saligang batas partikular ang Constitutional Convention, Constitutional Assembly at People’s Initiative.
Kaya naman nakiusap si Roque na hindi dapat pulaan ng simbahan ang Con-As dahil taumbayan din ang nagratipika at nagbigay ng buhay sa kasalukuyang saligang batas.

Facebook Comments