Cremate now pay later, ipatutupad para sa mga nasawing COVID patients

Nagkasundo ang pamahalaan at mga crematory services na magpatupad ng cremate now pay later scheme.

Sa laging handa public press briefing sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago na isa lamang ito sa napagkasunduan nila sa ginanap na pulong nuong Hwebes sa mga may ari ng funeral at crematory services.

Ayon kay Pialago, alinsunod narin ito sa umiiral na protocol for handling deceased COVID patients na kinakailangang mai-cremate agad ang mga labi ng covid patient sa loob ng labindalawang oras magmula ng ito ay mamatay.


Para sa mga indigent o mahihirap na pamilya na may nasawing kaanak dahil sa COVID-19 ang DSWD na ang siyang bahala na magbigay ng PHP 25,000 funeral assistance at saka nila ito ibabayad sa crematorium service kung saan icrenimate ang yumao nilang mahal sa buhay.

Saka sakali namang walang cremation ang isang funeral parlor makikilag tie up sila sa kanilang napiling crematorium at saka paghahatian ang PHP 25,000 na ayuda mula sa DSWD.

Para naman sa mga nakatira sa lungsod na hindi sagot ng kanilang LGUs ang cremation, napagkasunduan din sa pulong na ipapako na lamang sa PHP 25,000 ang singil sa cremation.

Maliban dito, ipinag utos din ang borderless accommodation ng crematorium facilities.

Facebook Comments