Cremated remains ng apat na Pinoy na namatay sa lindol sa Myanmar, naiuwi na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa ang cremated na labi ng apat na Pinoy na namatay sa lindol sa Myanmar.

Ang cremated remains nina Alexis Gale Concepcion Adalid, Edsil Jess Agan Adalid, Francis Aragon, at Barren M. Barcelo ay sinalubong ng kanilang mga kaanak sa airport.

Mula sa airport, agad silang iniuwi sa kanilang mga lalawigan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), agad ding naiproseso ang death at burial benefits para sa magkapatid na Adalid.

March 28 nang yanigin ng malakas na lindol ang Myanmar at mga karatig na bansa kung saan kabilang sa mga nasawi ang apat na Pilipino.

Facebook Comments