Crematorium ng Divine Shepherd sa Cagayan de Oro, balik operasyon na

Balik operasyon na ngayon ang crematorium ng Divine Shepherd Memorial Gardens sa Cagayan de Oro matapos magka-aberya sa kanilang kagamitan dahil sa mabilis na cremation process.

Ayon kay Engr. Armen Cuenca, head ng Management of the Dead Cluster sa Emergency Operation Center ng lokal na pamahalaan, natugunan na ang dating problema sa usok mula sa crematorium na tumatagal ng mahigit limang minuto na ikina-alarma ng mga residente malapit sa lugar.

Inihayag ni Engr. Cuenca na aabot na lamang sa 20 hanggang 30 segundo ang usok na lumalabas sa chimney ng Divine Shepherd kumpara noong nakaraang linggo.


Ipinaliwanag ni Engr. Cuenca na umaabot sa sampu ang average cremation bawat araw sa mga namatay ng COVID-19 at kahit mga ‘suspected’ pa lamang.

Facebook Comments