Pinawi ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares ang pag-alala ng mga namatayan dahil sa COVID-19 dahil bukas hindi lamang para sa mga residente ng Antipolo bagkus tatanggapin din nito maging ang mga residente ng Rizal.
Hinikyat ni Mayor Ynares ang mga kapwa niya mga alkalde sa Rizal na huwag ng alalahinin pa sakaling mayroon silang mga constituents na namatayan dahil sa COVID-19.
Aniya, mapalad at pinagpala ang Antipolo sa pagkakaroon nito ng sariling public crematorium sa gitna nitong isyu ng COVID-19 crisis.
Ramdam ng alkalde at kanyang napag-alaman sa ilang mga kasamahan niyang alkalde kung gaano kahirap at kamahal ang serbisyo sa private crematorium na umaabot pa umano ng ₱20,000.
Dagdag pa ni Mayor Ynares na nauna ng nagpadala ang Baras ng bangkay na PUI na kinalaunan ay napag-alaman din na namatay ito dahil sa TB; lumabas na COVID-19 negative ang resulta matapos na ma-cremate habang ang Taytay, Rizal Government naman ang ilan nilang kababayan ay hindi na kinaya ang laban kontra COVID-19 at nagpositibo sa COVID-19.
Hinimok din ng alkalde ang kanyang mga kasamahan na panahon ngayon mg pagtutulungan kaya’t kung sakaling mangailangan umano ang kanilang mga kababayan, bukas, aniya, ang crematorium sa Antipolo upang magsilbi nang walang bayad bilang suporta at pakikiramay na rin sa mga kapatid nilang Rizalenyo.