CALASIAO, PANGASINAN – Nagsagawa ang pwersa ng pulisya katuwang ang Municipal Health Office at Sanitary Inspection Team ng Calasiao sa umano’y crematorium na nagbubuga ng maitim na usok na lubhang ikinababahala ng publiko at mga residenteng malapit sa lugar.
Ayon kay PLt Col. Ferdinand De Asis, Hepe ng Calasiao PNP, tumugon umano ang pamunuan ng crematorium dahil bukas sila sa posibleng makikitang pagkukulang at responsibilidad nila.
Paliwanag umano ng pamunuan ng crematorium na ito ay marahil dahil bawat katawan o bangkay na kanilang idinadaan sa cremation ay may mga gamit na kasama sa mismong body bag.
Ang isang katawan umano na tinamaan ng COVID-19 ay hindi na nila pinakikialaman at ipinapasok na lang para sa cremation sa oras na magbigay na ng permit o pahintulot ang pamilya ng mga ito dahil sa maaaring panganib na makuha sakaling ito ay bubuksan pa.
May ilan din umano na pumuputok marahil sa cellphone, barya o wallet na naiwan sa katawan.
Marahil sa viral post na maitim na usok na nagmula sa crematorium ay maaaring ‘yun ay araw na nagkaroon naman ng cremation at may mga ginagamit na naisama rito.
Tiniyak naman ng Inspection Team ng Calasiao na ang funeral service o crematorium ay sumusunod sa mga health protocols sa pagsasagawa ng proseso at sa katunayan ay binigyan sila ng Municipal Health Office ng notice na dapat nilang sundin.