Malaking porsyento ang ibinaba ng crime against property sa kabila na marami ang nawalan ng trabaho ngayong may COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. General Guillermo Eleazar.
Aniya, 62% hanggang 70% ang nabawas sa bilang ng apat na focus crime sa bansa.
Ito ay ang theft, robbery, carnapping ng motorcycles at carnapping ng motor vehicles.
Batay sa record ng JTF COVID Shield, sa loob ng 153 days ng community quarantine ay 62% ang ibinaba ng kaso ng theft at sa robbery cases ay 63%.
Habang 69% ang ibinaba ng cases ng carnapping ng motorcycles at 70% ay sa cases ng carnapping ng motor vehicles.
Sinasabing dahilan ni Eleazar sa pagbaba ng crime against property ay dahil sa pinaigting na police visibility sa mga border ng control checkpoints at pagsasagawa ng pagpapatrolya at curfew sa mga komunidad.