CRIME INCIDENT NA NAITATALA SA REGION, PATULOY ANG PAGBABA; LINGKOD BAYAN GROUPS, NAGING MALAKING TULONG AYON SA PRO1

Patuloy ang naitatalang pagbaba ng crime incidents dito sa buong Ilocos Region, ito ang pagtitiyak ng Police Regional Office 1.
Kaugnay nito ay naitala sa ikalawang kwarter ng taon ang 2, 582 na crime incidents dito sa Region. Mas mababa naman ang naitala sa ikatlog kwarter ng taon na naitala lamang ang 1,902 na crime incidents habang 795 mula October 1 hanggang unang linggo ng buwan ng Nobyembre para sa fourth quarter.
Sa panayam ng iFM Dagupan, sinabi ni PCapt. Karol Baloco, Deputy Public Information Officer ng PRO1, ang nakitang pagbaba ng crime rate sa buong Ilocos Region ay dahil sa resulta naman sa maigting na pagpapatupad ng batas ng pwersa ng kapulisan sa buong Ilocos Region.
Malaking bagay din umano ang pagtulong ng force multipliers at ng buong komunidad para naman mapuksa at mapababa pa ang bilang ng krimenalidad sa Rehiyon.
Dagdag ni Baloco, may mga Lingkod Bayan Advocacy Groups na dagdag naman para sa pwersa ng pulisya upang mapababa ang crime incidents.
Ang Lingkod Bayan Advocacy Groups na ito ay maituturing na volunteers sa hanay ng pulisya na nakikipag ugnayan at tulungan sa mga otoridad upang masawata ang krimenalidad at sa kagustuhan na magkaroon ng isang payapang komunidad.
Nakikita pa umano nila ang paglahok ng mga kabataan sa iba’t ibang programa tulad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ay namumulat na ang kanilang kaisipan sa tunay na nangyayari sa komunidad na nangangailangan ng boses ng mga ito.###

Facebook Comments