Bumaba ng 26% ang crime incident sa Pangasinan ngayong taon kumpara noong 2021. Ito ang naging ulat ng Pangasinan Police Provincial Office sa isinagawang 1st Quarter Meeting ng Joint Pangasinan Peace and Order Council at Pangasinan anti Drug abuse council.
Ayon sa datos ng Pangasinan PPO, bumaba ng 422 kaso o 26% ang crime incidence sa lalawigan ng Pangasinan mula 1,631 (2021) kumpara sa 1,209 (2022) dahil sa pagsusumikap ng pwersa ng kapulisan para sa mas ligtas at tahimik na Pangasinan.
Nananatiling insurgency-free din ang lalawigan ng Pangasinan.
Sa kabilang banda, ayon sa PDEA, patuloy din ang operasyon ng ahensya upang tuluyan nang masugpo ang ilegal na droga sa Pangasinan.
Mula sa 1,364 barangays ng probinsya, 1,073 na ang drug-cleared barangays, 91 barangays and unaffected, habang 199 na lang ang binabantayan na drug-affected barangays. | ifmnews
Facebook Comments