Crime incidents sa bansa sa nakalipas na 8 buwan, bumaba ng 8% – PNP

Bumaba ng 8% ang bilang ng mga naitalang krimen sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon kumpara sa datos sa kaparehong panahon noong 2021.

Pero ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tumaas ng 8.62% ang insidente ng theft ngayong 2022 gayundin ang robbery ng 0.49%.

Samantala, nilinaw ni Fajardo na naresolba na ng PNP ang mga insidente ng pagdukot at pagkawala ng ilang indibidwal na kalaunan ay nakikitang patay.


Aniya, nahuli, nakasuhan at nakakulong na ang mga suspek na nasa likod nito.

Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, nakapagtala ang PNP ng 25 insidente ng kidnapping na karamihan ay konektado sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO at ang mga ito ay naresolba na.

Facebook Comments