Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime index ng 10 porsyento sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan kung saan mas mababa ito sa 20,765 na insidente na iniulat sa kahalintulad na panahaon noong nakalipas na taon.
Kasama sa index crimes ang 8 focus crime na: theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo at sasakyan, robbery at homicide.
Ang lahat ng mga ito ay nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng mga kaso, maliban sa robbery at homicide, na bahagyang tumaas.
9 na porsyento ang ibinaba ng theft; 18 porsyento ang rape; 20 porsyento ang physical injury; 2 porsyento ang murder; 9 na porsyento ang carnapping ng motorsiklo; at 29 na porsyento ang ibinaba ng carnapping of motor vehicle.
Habang tumaas naman ng 7 porsyento ang robbery at halos 3 porsyento naman ang Homicide.